Thursday, October 10, 2019

Pagmamalaki sa Aming Wika

          Ang buwan na ito ay ang buwan ng wika na kung saan tayong mga pilipino ay ating bigyang buhay ang mga bagay na luma na o mga bagay na di nila binibigyang pansin. Ating bigyang halaga ang mga tinuro satin ng ating mga ninuno katulad ng pagsalita sa ating sariling wika,tagalog.

          Alam naman natin na mga kabataan ngayon ay mahilig na sa mga pagsasalita sa korean o pag awit. Nakalimutan na nilang pahalagahan ang sarili nating wika na siyang kasanayan natin. Taon-taon na ipinagdiriwang ang buwan ng wika tuwing Agosto. Sa aming paaralanmay mga paligsahan sila. Katulad nito ang interpratibong pagbasa, pag awit sa mga OPM na awitin at iba pa. Kailangan natin na isapuso lahat ng tinuro sa atin ng ating mga ninuno. May mga batang ayaw matuto. Minsan kase di sila pumapasok sa kanilang klase minsan may nagkacutting classes.

          Respetuhin natin ang binigay ng Diyos sa atin. Kailangan na tandaan natin na tayo'y mga pilipino at ating ipagmalaki ang kultura at tradisyon ng mga pilipino na ipinamana nila sa atin at ating ipapamana rin sa susunod na henerasyon. Tayo'y magkaisa para paunlarin ang wikang Filipino. Dahil ito ang ating lingwahe.


No comments:

Post a Comment